Suporta sa mental health,
edukasyon at komunidad
para sa sektor ng agrikultura sa Ontario

Ang komunidad ng agrikultura ng Ontario ay nahaharap sa mga natatanging hamon.
Nandito kami upang Tumulong.

Mula sa mga magsasaka at manggagawa hanggang sa  kanilang kapamilya at kaibigan, ang mga kasapi ng komunidad ng agrikultura ay nahaharap sa mga natatanging hamon na nangangailangan ng angkop na suporta.

Sa Agriculture Wellness Ontario itinataguyod at sinusuportahan namin ang mental health  ng aming komunidad sa agrikultura sa pamamagitan ng iba’t-ibang  programa na nakatuon sa edukasyon, suporta, at pagpapatibay ng komunidad.

Mga binabahaging tulong

Sino kami

Ang aming tatlong pangunahing haligi—suporta, edukasyon, at komunidad—ay sadyang idinisenyo upang magbigay ng tulong para sa mental health, emosyonal, at panlipunan na pangangailangan sa mga taong naninirahan at nagtatrabaho sa sektor ng pang agrikultura.

Ag worker on mobile device

Mental health counselling

Ang libre, kumpidensyal, at propesyonal na counselling ay bukas 24/7 para sa mga magsasaka, manggagawa sa sa agrikultura, at kanilang mga pamilya. Kung Nakakaramdam ka man ng stress, labis na pagkapagod o kalungkutan, o kailangan mo lang ng makakausap, narito ang aming counselling services kapag kailangan mo —sa telepono, online, o personal.

Alamin Pa
AgWO workshop in session

Mga workshop at training

Nag-aalok kami ng iba’t ibang libreng workshop na idinisenyo upang umangkop sa inyong buhay at sa inyong pangangailangan. Mula sa pagpapalawak ng inyong kaalaman tungkol sa mental health hanggang sa pagkatuto ng mga praktikal na paraan sa pamamahala ng stress, ang aming mga sesyon -personal man o online ay nagbibigay ng malinaw at nakatuong suporta sa sa sektor ng agrikutura na maaari mong magamit kaagad.

Alamin pa
Agricultural workers on a farm

Community support

Walang sinuman ang humarap nang mag-isa sa panahon ng matinding pangangailangan at mabigat na hamon sa buhay. Kaya naman, itinataguyod namin and isang matibay na support network sa pamamagitan ng mga volunteer program at mga outreach inititiaves na nag-uugnay sa mga tao sa isa’t isa—at sa tulong na kinakailangan. Dahil ang koneksyon sa komunidad ay isang malaking halaga.

Alamin pa

Ang aming mga programa

Farmer Wellness Initiative

Nag-aalok kami ng libre at walang limitasyong mental health counselling na nakatuon sa natatanging hamon na kinakaharap ng komunidad sa agrikultura. Available 24/7, 365 araw sa isang taon sa Ingles, Pranses, Espanyol at Tagalog.

Farmer Wellness Initiative

Guardian Network

Isang boluntaryo, at peer-driven na komunidad ng mga tagapagtaguyod ng mental health ang nagbibigay ng suporta sa komunidad ng pagsasaka sa Ontario, na sumasailalim sa isang buong araw na pagsasanay tungkol sa suicide -prevention.

Guardian Network
Guardian Network logo

In the Know

May apat na oras na mental health literacy workshop ang nakalaan at dinesenyo para sa mga mangagawa, magsasaka at ng kanilang pamiya sa sektor ng agrikutura.

In the Know
In the Know

Growth Workshops

Maikli at nakatuong mga sesyon na nagdadala ng abot-kayang edukasyon sa mental health sa sektor ng pang agrikultura.

Growth Workshops
Growth Workshops

International Agricultural Worker Wellness Program

Mga workshop at suporta sa mental health, na naangkop sa mga internasyonal na manggagawa sa agrikultura. Kasalukuyang isinasagawa bilang pilot program sa Windsor-Essex at Brant-Haldimand-Norfolk.

IAW
International Agricultural Worker Wellness Program

40%

Ng mga Canadian Producers ang nagsasabi na hindi sila komportable na humingi ng propesyonal na tulong dahil sa maaaring isipin ng mga tao. Layunin naming mabawasan ang bilang at ng stigma o ang hindi magandang pagtingin dito sa pamamagitan ng pagbubukas ng usaping mga programa at mga resources na aming ibabahagi sa sektor at komunidad

2,766

na miyembro ng komunidad ng agrikultura sa Ontario ang dumalo sa isang workshop sa mental health noong nakaraang taon.

68%

mas mataas ang posibilidad na makakaranas ng matagalang stress ang mga magsasaka kumpara sa pangkalahatang populasyon na maaaring magdulot ng pisikal at mental na karamdaman.
AgWO Team 2025

Meet our team

Taglay ang natatanging kaalaman sa mental health at karanasan sa pagsasaka, nauunawaan ng aming pangkat ang mga pressure o bigat, pagmamalaki, at layunin na kaakibat ng buhay sa agrikultura.

Alamin pa

Join Our Mailing List

Makilahok sa usapin at manatiling updated sa mga Training session at anunsyo ng mga programa.

"*" indicates required fields

This field is for validation purposes and should be left unchanged.
Name*