Suporta na naayon sa iyong kalagayan at pangangailangan

Nag-aalok ang Farmer Wellness Initiative ng libre at walang limitasyong mental health counselling para sa mga magsasaka, kanilang pamilya, at mga mangagagawa ng agrikultura ng Ontario, kabilang ang mga internasyonal na manggagawa sa agrikultura at mga sinanay bilang mga Guardian.

Nagbibigay ito ng suporta na nauunawaan ang mga natatanging hamon ng buhay sa agrikultura, at ipinamamahagi ito nang may malasakit, pag-unawa, at malalim na respeto para sa mga taong bumubuo ng komunidad sa pagsasaka ng Ontario.

Kung ikaw ay nangangailangan ng supporta, tumawag lamang anumang oras: 1-866-267-6255. Ang agarang suporta at intake ay available 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo, buong taon.

Tumawag sa 1-866-267-6255

Maikling panimula

Ang pagkuha ng suporta sa pamamagitan ng Farmer Wellness Initiative
(Inisyatibo sa Kagalingan ng Magsasaka) ay simple,flexiblle, at naaayon sa
iyong mga pangangailangan. Kung ikaw man ay unang beses na
nakikipag-ugnayan o bumabalik para sa patuloy na suporta, narito ang
maari mong asahan.

Intake

Kapag tumawag ka, makakausap mo ang isang taong gagabay sa iyo sa isang maikli at simpleng proseso ng intake sa tulong ng isang translator o tagasalin. Tatanungin ka tungkol iyong pangalan, kung saan ka nakatira, at kung anong uri ng suporta ang kailangan mo. Kung kailangan mo ng agarang tulong, agad kang i-uugnay sa naangkop na suporta.

Connection

Sa loob ng mga isang linggo, itutugma ka sa isang propesyonal na counselor na nakaka unawa sa mga realidad ng buhay sa agrikultura at nakakapagsalita at nakakapag-unawa sa salitang Tagalog . Maaari kayong mag-usap sa pamamagitan ng telepono o video, depende sa kung ano ang pinaka angkop para sa iyo, sa iyong iskedyul at sa iyong antas ng kaginhawahan.

Support

Maaari mong ipagpatuloy ang counselling hangga’t ito ay kinakailangan mo. Libre ito, walang limitasyon, at nakatuon sa iyong kapakanan. Kung sa tingin mo ay hindi angkop ang unang nai-tugmang counsellor, maaari kang humiling ng ibang counsellor —walang itatanong na dahilan. Tawagan lamang muli ang linya at sabihin na nais mo ng panibagong counsellor. Ang pinakamahalaga ay ang pakiramdam mong ikaw ay suportado.

Brief Intro

Dinisenyo namin ang serbisyong ito upang maging abot-kaya, ingklusibo, at madaling gamitin hangga’t maaari. Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat malaman bago ka tumawag.

May suporta na makukuha ang mga magsasaka, at mga mangagawang agricultural at kanilang pamilya sa Ontario- —kabilang ang mga asawa at mga umaasa o dependents, nakatira man sila sa sakahan o hindi. Dapat nasa 16 taong gulang o mas mahigit ang tumatawag. Maaari ring mapakinabangan ang mga serbisyo ng mga kabataang may edad 12 hanggang 15 kung may pahintulot ng magulang.

Mahalaga ang inyong privacy. Lahat ng inyong ibabahagi sa counselling session ay ganap na kumpidensyal at protektado sa ilalim ng Ontario’s Personal Health Information Protection Act (2004).

Walang bayad ang paggamit ng serbisyong ito, at walang limitasyon sa sa dami sesyon ang maaari mong daluhan. Libre ito, —dahil ang pagkuha ng suporta ay hindi dapat may kapalit.

Ang suporta ay makukuha nang 24/7, bawat araw ng taon. Tumawag lamang sa 1-866-267-6255 upang makapagsimula. Ang mga serbisyo ay inaalok sa Ingles, Pranses, Espanyol, at Tagalog. Ang linya ay pinamamahalaan ng TELUS Health. Mayroon ding translation services sa iba pang wika.

Tumawag sa amin anumang oras:
1-866-267-6255

Kung kailangan mo ng suporta, maaari mo kaming tawagan anumang oras.
Available ang intake 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo, araw-araw ng taon.

Ano ang inyong pinag-uusapan sa counselling?

Hindi mo kailangang na nasa krisis para makipag-ugnayan. Ang counselling ay maaaring maging isang espasyo upang tugunan ang pag-araw-araw na stress, palakasin ang mga relasyon, o simpleng suriin ang iyong sariling kagalingan. At kahit karamihan sa tumatawag na may kaugnayan sa agrikultura, ang inyong pag-uusapan ay hindi kailangang tungkol sa pagsasaka.

Narito ang ilan lamang sa mga bagay na madalas pag-usapan ng mga tao:

Pansariling stressPaggamit ng droga
Pamilya o mga relasyonStress sa pagsasaka
Financial pressure Paano susuportahan ang mga mahal sa buhay
Pamamahala sa iyong trabaho o workloadPagproseso sa traumatic na mga pangyayari
Kalungkutan o pag-iisaPagbuo ng mga estratehiya sa pagharap sa mga problema at pamamahala ng mental Health
Pagkabalisa o depresyonPagpaplano sa pamana o paglipat ng pamamahala

Madalas na itinatanong

Narito ang madalas itinatanong sa tungkol sa pagsisimula ng counseling support.

Sa iyong counselling session, gagawa ang iyong counsellor ay gagawa ng ng isang komportableng kapaligiran upang malayang maipahayag ang iyong mga alalahanin. Magbibigay sila ng isang espasyo na walang paghuhusga kung saan mararamdaman mong ikaw ay pinapakinggan, maipapahayag ang iyong mga iniisp at matuklasan kung paano ito nakakaapekto sa iyong damdamin. Bilang karagdagan, ang iyong counsellor ay magbibigay ng obhektibong feedback o pagpuna, at pakikipagtulungan sa iyo upang matukoy ang mga paraan sa paglutas ng problema.

Kung hindi ka nasisiyahan sa counsellor, mangyaring tawagan ang LifeWorks upang ipahayag ang iyong mga alalahanin. Makikipagtulungan sa iyo ang LifeWorks upang magtakda ng appointment sa ibang counsellor na mas tugma sa iyong mga pangangailangan. Maaari kang tumawag sa 1-866-267-6255 upang ipahayag ang iyong mga alalahanin at saloobin.

Ang mga counsellor ay nakapagtapos ng master’s degree sa Social Work, Psychology, Educational Counselling, o iba pang kaugnay na larangan ng mga serbisyong pantao, kasama dito ang pinakamaikli na limang taon na karanasan sacounselling. Karamihan sa mga counsellor ng LifeWorks ay kasali sa FWI ay may karanasan sa agrikultura at mga komunidad sa kanayunan, at lahat ng mga propesyonal ay sumasailalim sa espesyal na pagsasanay tungkol sa realidad ng buhay sa agrikultura at mga trend o kasalukuyang nangyayari na maaaring magdulot ng karagdagang stress sa buong taon.

Tulad ng karamihan sa mga tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, ang mga counsellor sa LifeWorks ay mangangailangan ng 24-oras na abiso upang kanselahin o muling ipaiskedyul ang isang appointment. Ang mga appointment ay maaaring kanselahin o muling iiskedyul sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-866-267-6255.

Ang mga pamahalaang probinsyal at federal ay nagbigay ng pondo upang makakuha ng libreng sesyon ng counselling kasama ang mga propesyonal sa mental health. Ang mga sesyon ng counselling ay ibinibigay ng LifeWorks. Ang mga propesyonal sa mental health sa LifeWorks ay nakatanggap ng pagsasanay upang maunawaan ang mga natatanging pangangailangan ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

Isang legal na kinakailangan na ang isang magulang o isang tagapag-alaga o guardian ay dapat pumirma sa isang consent form o magbigay ng pasalitang pahintulot bago sumailalim sa counselling ang isang batang nasa pagitan ng edad na 12 hanggang 15.

Sa panahon ng counselling session, ang counsellor ay lilikha ng isang ligtas, walang paghuhusga, at kumpidensyal na kapaligiran para sa inyong anak na teenager upang pag-uusapan ang kanilang mga isyu nang malaliman.

Kung ang inyong anak nasa pagitan ng edad na 12 at 15 taong gulang, kakailanganin nila ng pahintulot ng magulang bago sila sumailalim sa counselling sa pamamagitan ng Farmer Wellness Initiative. Mangyaring basahin ang iba pang mga FAQ kung ano proseso nito. Para makapagsimula, mangyaring tumawag sa 1-866-267-6255.

Oo, kumpidensyal ito. Ipapaliwanag sa iyo ng counsellor ang limitasyon ng kumpedinsyalidad ng sa iyong unang session o session ng iyong anak.. Ang lahat ng impormasyong natanggap sa pamamagitan ng mga counseling session ay kumpidensyal at alinsunod sa Personal Health Information Protection Act (2004).