Ikaw ba ay isang magsasaka na nangangailangan ng suporta? Tumawag sa Farmer Wellness Initiative sa 1-866-267-6255. Nasa krisis ka ba? Tumawag o mag-text sa 9-8-8 para sa 24/7 na tulong.

Libre, kumpidensyal, at walang limitasyong suporta
sa kalusugang pangkaisipan para sa mga magsasaka, manggagawa sa bukid, internasyonal na mga manggagawa sa agrikultura, at mga pamilyang magsasaka sa Ontario. May makukuhang suporta anumang oras, araw man o gabi sa English, French, Spanish, at Tagalog. Mayroon ding serbisyo sa iba pang mga wika sa tulong ng isang tagasalin.
Tumawag online —hindi kailangan ng numero ng telepono.
Paano ito gamitin?
I-click ang link
I-click ang link sa ibaba ng iyong telepono, tablet o kompyuter o pumunta sa www.CallFWI.ca.
Kumonekta
Piliin ang iyong wika:
- 1 para sa Ingles
- 2 para sa Pranses
- Banggitin ang Tagalog o iba pang mga wika.
Sagutin ang ilang maiikling katanungan. Kung kailangan mo ng agarang suporta, maaari kang direktang makipag-usap sa isang counsellor.
Kumuha ng Suporta
Maaari kang makipag-usap sa isang counsellor sa pamamagitan ng isang numero ng telepono sa Canada, isang online meeting o web-based calling. Kung mayroon kang email address, maaaring ipadala sa iyo sa pamamagitan ng email ang mga link ng video at mga update tungkol sa iyong appointment.
Mga kadalasang tinatanong
Narito ang karaniwang mga tanong tungkol sa pagsisimula ng paggamit ng web-based calling.
Ang Farmer Wellness Initiative ay nagbibigay ng libre at kumpedinsyal na suporta para sa kalusugang pangkaisipan para sa mga magsasaka, manggagawa sa bukid, internasyonal na mga manggagawa sa agrikultura, at mga pamilya ng magsasaka na may edad na 16 taong gulang pataas. Maaari kang makipag-usap sa isang counsellor tungkol sa stress, pangungulila sa pamilya, o anumang bagay na naiisip mo. Ang suporta ay available anumang oras, araw man o gabi. Ang mga kabataan mula 12-15 taong gulang ay maaring gumamit ng serbisyong ito kung may pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga.
Mahalaga sa amin ang iyong privacy. Hindi ibabahagi ang iyong impormasyon sa sinuman nang walang ang iyong pahintulot. Hindi namin ibabahagi ang anumang impormasyon sa iyong employer o kanino man. Lahat ng impormasyong binanahagi mo sa panahon ng iyong counselling sessions ay protektado sa ilalim ng Ontario Personal Health Information Protection Act (2004). Ipapaliwanang ng iyong counsellor ang mga sitwasyon kung kailan maaaring kailanganin nilang ibahagi ang iyong impormasyon upang maprotektahan ka o ang ibang tao.
Libre ang serbisyong ito para sa mga magsasaka, mga manggagawa sa bukid, internasyonal na mga manggagawa sa agrikultura at kanilang mga miyembro ng pamilya na naninirahan sa Ontario. Walang limitasyon sa bilang ng counselling session na maaari mong gamitin.
Ang web-based calling ay nagbibigay-daan sa mga tao na makipag-ugnayan sa Farmer Wellness Initiative gamit ang internet sa halip na numero ng telepono. Kapag na-click ang link, magbubukas ang isang screen ng telepono at ikokonekta ka sa linya. Hindi mo na kailangang mag-download ng ano mang application. Kailangan mo lamang ng internet connection, at telepono, tablet o kompyuter.
Maaari kang magsama ng isang taong susuporta kapag tumawag ka. Pipiliin mo ang iyong wika [at makikipag-usap] sa isang staff member na magtatanong ng ilang mga katanungan upang matulungan kang ikonekta ang tamang suporta. Kung kailangan mo agad ng tulong, ikokonekta ka sa taong makakatulong sa iyo.
Kung kailangan mo agad ng tulong, ikokonekta ka agad sa isang counsellor. Kung hindi, sasagutin mo muna ang ilang mga tanong 및 pagkatapos ay mag-book ng appointment sa isang counsellor, karaniwang naibibigay sa loob ng isang lingo.
Bago ka magsimula ng counselling, ang iyong unang tawag ay isasagawa sa English, French o Spanish. Kung nagsasalita ka ng ibang wika, maaring sumali sa tawag ang isang tagasalin. Maaring tumagal ito ng ilang minuto. Maari ka ring humingi ng tulong sa isang kaibigan o katrabaho sa umpisa ng iyong tawag. Ang patuloy na counselling sa sariling wika ay available sa English, French, Spanish at Tagalog. May suporta din sa iba pang wika at maaring kailanganin ang tulong ng isang tagasalin.
Ang mga susunod na counselling appointment ay maaaring mangyari sa iba’t ibang paraan. Kung mayroon kang numero ng telepono sa Canada, maaaring tawagan ka ng iyong counsellor. Kung mayroon kang email address, maaaring magpadala sa iyo ang iyong counsellor ng link ng video meeting at mga update tungkol sa iyong appointment. Maaari mo ring gamitin muli ang web-based calling link sa oras ng iyong appointment.
Bago matapos ang iyong tawag, dapat mong malaman kung paano ka makikipag-ugnayan sa iyong counsellor sa susunod na pagkakataon. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagtawag muli gamit ang web-based link, pagsali sa isang video session o pagtanggap ng tawag sa telepono mula sa iyong counsellor. Hindi ka maaaring tawagan kapag gamit ang web-based calling link.
Hindi ka maaaring tawagan kapag gamit ang web sa pagtawag. Kung ang iyong tawag ay naputol, i-click muli ang link upang makonekta ulit. Kung nakaligtaan mo ang iyong appointment, maaari mong gamitin ang parehong link upang tumawag at magtanong tungkol sa iyong appointment.