Programa sa Kalusugan ng Internasyonal na Manggagawa sa Agrikultura

Ang layunin ng Programa sa Kalusugan ng Internasyonal na Manggagawa sa Agrikultura [International Agricultural Worker Wellness Program] ay tumugon sa mga hindi pangkaraniwang hamon sa kalusugan ng kaisipan at kapakanan na hinaharap ng mga pansamantalang internasyonal na manggagawa sa agrikultura sa Ontario. Sa pagbigay ng promosyon sa kultural na tugon sa kalusugan ng kaisipan, mga workshop sa pagpipigil, at mga saggunian sa mga serbisyo ng komunidad, ang programa ay nagbibigay sa mga manggagawa ng mga kagamitan upang pamahalaan ang stress, panlipunang pag-iisa, at iba pang mga alalahanin sa kalusugan. Sa pagtulong ng mga local CMHA, pangangasiwa ng sakahan, at mga koalisyon ng komunidad, ang programa ay maghahatid ng mga maramihang wikang mapagkukunan, mga workshop na pagkukuha, at mga inisyatiba para isulong ang sikolohikal na kaligtasan at kalusugan. Sa loob ng dalawang taon, ang programa ay gagawin sa Windsor-Essex and Brant-Haldimand-Norfolk, na makaka epekto sa mga manggagawa ang mga taga-empleyo na gumawa ng mga mas malusog na agrikulturang kapaligiran.

Ang kalusugan ng kaisipan at kagalingan ng Mga Internasyonal na Manggawa sa Agrikultura [International Agricultural Workers (IAWs)] ng Ontario ay lalong kinikilala sa mga lugar na nangangailangan ng agarang atensyon. Noong Abril 2022, ang Mga Klinika sa Kalusugan ng Pagtatrabaho para sa mga Manggagawa ng Ontario [Occupational Health Clinics for Ontario Workers] ay naglabas ng isang ulat na tinatampok ang iba’t ibang mga sikolohikal na hamon na hinaharap ng mga IAW. Karamihan nitong mga hamon ay kaugnay sa kanilang hindi pangkaraniwang trabaho at legal na katayuan sa Canada pati na rin ang paghihiwalay sa pamilya, wika at kultura habang nagtatrabaho sa Ontario.

Malaki ang kontribusyon ng mga IAW sa agrikultural na ekonomiya ng Ontario, partikular sa mga rehiyon ng Haldimand-Norfolk and Windsor-Essex, kung saan mga 60% ng mga IAW ay nakatira. Hinaharap ng mga manggagawa ito ang hindi karaniwang mga hamon sa kalusugan ng kaisipan dahil sa paghihiwalay, mga hadlang sa wika, at mga hinihinging kondisyon ng trabaho. Ang mga serbisyo sa kalusugan ng kaisipan na tumutugon sa kanilang mga partikular pangangailangan at nagbibigay ng paraang angkop sa kultura ay mahalagang matiyak ang kanilang kalusugan.

Ang aming mga workshop ay idinisenyo upang tugunan ang mga natatanging pangangailangan sa pangkaisipang kalusugan ng mga internasyonal na manggagawa sa agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga praktikal na kagamitan at mga estratehiya. Ang mga workshop na ito ay naglalayong pasiglahin ang koneksyon, katatagan at pangkalahatang kagalingan sa mga internasyonal na manggagawa sa agrikultura.

Mga kasalukuyang workshop:

Pag-unawa sa Kalungkutan at Pagbuo ng Komunidad
Sinisiyasat ng workshop na ito ang mga paghamon ng paglipat sa isang bagong bansa at kultura, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagbubuo ng mga relasyon at paghahanap ng suporta. Natututo ang mga kalahok ng mga praktikal na paraan upang magkaroon ng mga koneksyon at palakasin ang kanilang pakiramdam ng pagiging kabilang habang nagtatrabaho nang malayo mula sa tahanan.

Pamamahala ng Stress
Tinutulungan ng workshop na ito ang mga kalahok na makilala kung paano lumalabas ang stress at maunawaan ang epekto nito sa kanilang kagalingan, lalo na sa kapaligiran ng pagsasaka. Nagbibigay ito ng mga praktikal na estratehiya upang mabisang pamahalaan ang stress, na tumutulong sa mga manggagawa na manatiling matatag at nakatutok sa mga mahihirap na panahon.

Upang mag-book ng workshop sa lugar ng Windsor-Essex, mangyaring mag-e-mail sa mws@cmha-wecb.on.ca.

Ang programang ito ay sumasali sa hanay ng mga programa sa kalusugan ng kaisipan sa Agriculture Wellness Ontario na pinamamahala ng Canadian Mental Health Association, Dibisyon ng Ontario. Ang programang ito ay ihahatid sa pagkakaksosyo sa CMHA Windsor Essex at CMHA Brant-Haldimand Norfolk.

Para unang malaman tungkol sa mga pagbabago ng programa at mga mapagkukunan, mangyaring sumali sa aming listahan sa pagpapadala ng koreo.

Ang proyektong ito ay pinondohan bilang bahagi ng Mga Pamahalaan ng Canada at Ontario sa ilalim ng Sustainable Canadian Agricultural Partnership (Sustainable CAP), isang limang taong pederal-lalawigan-teritoryo na inisyatiba.